PAL, umaasang maibalik ang prepandemic domestic capacity nito sa dulong bahagi ng taon

PAL, umaasang maibalik ang prepandemic domestic capacity nito sa dulong bahagi ng taon

UMAASA ang Philippine Airlines (PAL) na kumpleto na nitong maibabalik ang domestic capacity nito sa dulong bahagi ng taon kung saan inaasahang dadagsa ang maraming pasahero sa kalagitnaan ng holiday.

Ayon kay PAL President and Chief Operating Officer Stanley Ng, naabot na ng PAL ang 80% ng prepandemic level, na magandang balita aniya matapos mahirapan ang PAL bunsod ng COVID-19 pandemic.

Mas handa aniya ngayon ang PAL laban sa pandemya matapos ang dalawang taong pamemerwisyo sa operasyon nito.

Lumagda rin ang PAL ng Memorandum of Agreement sa Singapore Tourism Board upang madagdagan ang mga dumadalaw dito sa pamamagitan ng joint campaign.

Follow SMNI NEWS in Twitter