Pananaw ng Palasyo ukol sa Nobel Prize ni Maria Ressa dapat igalang ng NUJP – Roque

Pananaw ng Palasyo ukol sa Nobel Prize ni Maria Ressa dapat igalang ng NUJP – Roque

DAPAT igalang ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pananaw ng Malacañang sa natanggap na Nobel Peace Prize ng Filipino Journalist na si Maria Ressa.

“The Philippines is a democratic society and every view, regardless of affiliation, must be accorded with respect,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press statement.

Ang naturang pahayag ni Roque ay tugon nito sa sinabi ng NUJP na mayroong press censorship sa bansa sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una ng sinabi ng palace official na ang nasabing parangal kay Ressa ay hindi isang sampal sa administrasyong Duterte dahil wala aniyang journalist na na-censored sa Pilipinas.

Nanindigan din si Roque na habang binati ng palasyo si Ressa sa pagkamit ng Nobel Peace Prize, sumasang-ayon din ito sa opinyon ng National Artist na si Francisco Sionil Jose tungkol sa kanyang parangal.

Sa social media post ni Jose na isang novelist at journalist, iginiit nito na buhay ang malayang pamamahayag sa bansa ngunit nilinaw nito na hindi ito dahil kay Ressa.

“I have criticized Duterte but not on press freedom. The Philippine press is alive and well not because of Maria Ressa. No writer is in jail. There is no censorship. Duterte hasn’t closed a single newspaper or radio station,” saad nito.

“The real test for journalists was made during the Marcos dictatorship when he imposed censorship, closed all media, and jailed journalists,” dagdag ni Jose.

Ani Roque nirerespeto ng pamahalaan ang lahat ng komento dahil sa umiiral na demokrasya sa bansa.

Pero aniya mas kapani-paniwala ang naging obserbasyon ni Jose ukol sa sitwasyon ng press freedom sa Pilipinas.

SMNI NEWS