Pastor Apollo C. Quiboloy, sinupalpal ang kasinungalingan ng Bayan USA

Pastor Apollo C. Quiboloy, sinupalpal ang kasinungalingan ng Bayan USA

SINUPALPAL ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang kasinungalingan ng Bayan USA kasunod ng pahayag nito laban sa counter insurgency na isinagawa sa Estados Unidos.

Kasunod ito ng inilabas na pahayag ng Bayan USA laban sa counter insurgency efforts na isinagawa nina former CPP-NPA Jeffrey Ka Eric Celiz sa Estados Unidos.

Gayundin sa pagdawit ng mga ito sa SMNI at sa butihing Pastor bilang kasama umano sa red tagging at terrorist tagging sa mga grupo tulad ng Bayan USA.

Sa pahayag na inilabas ng Bayan USA, sinabi nito na ang counter insurgency ay mapanganib sa mga human rights defender, indigenous communities, labor unions at peasant association.

Isiniwalat naman ni Pastor Apollo na ginagamit lamang ng mga makakaliwang grupo ang mga isyu para sa kanilang sariling interes.

Kaugnay nito, kinuwestyon ni Pastor Apollo ang pagiging human rights defender umano ng Bayan USA.

Sa huli, sinigurado ng butihing Pastor na hindi na muling mananagumpay ang makakaliwang grupo sa panlilinlang sa ating mga kababayang Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter