PBBM, binigyan ng pasadong marka ni Sen. Villar

PBBM, binigyan ng pasadong marka ni Sen. Villar

BINIGYAN ni Senator Mark Villar ng “Grade A” ang Marcos administration.

Sinabi ni Villar na sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay nagkaroon ng continuity ang infrastructure programs na napasimulan noong panahon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Villar, karamihan sa mga infrastructure programs ay talagang hindi kayang tapusin ng isang termino ng pangulo kaya’t mahalaga na ipagpatuloy ito ng sumunod na pangulo.

Matatandaang si Villar ang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Duterte administration.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble