PBBM sa PCG: Laging maging handa na depensahan ang PH boundaries

PBBM sa PCG: Laging maging handa na depensahan ang PH boundaries

PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine Coast Guard (PCG) na laging maging handa na depensahan ang Philippine boundaries.

Bagama’t ang pangunahing tungkulin ng PCG ay ang search and rescue, gayundin ang pagpapatrol sa boundaries ng bansa, ay may mga pagbabago ring nangyayari sa organisasyon.

Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos kasabay ng panunumpa ng 15 opisyal ng PCG na na-promote dahil sa kanilang galing at kwalipikasyon na punan ang ilang mahahalagang posisyon.

Nabanggit ng Chief Executive ang maraming mga tungkulin na dating gampanin ng Navy, na inilipat sa PCG.

Aniya, naging mas matindi na ang misyon ng PCG kung saan inaasahang hindi lamang ang coastline ang dedepensahan nito, kundi kasama na rin ang mamamayan, maging ang republika at teritoryo ng bansa.

Kaya naman sa kanya pang mensahe, pinaalalahanan ni Pangulong Marcos ang PCG na laging maging handa at mulat habang ginagawa ang kanilang trabaho sa pagbabantay sa ‘boundaries’ ng bansa.

Paalala pa ng Pangulo, dapat maging masipag din ang PCG personnel sa pagganap ng tungkulin upang matiyak na walang anumang hindi kanais-nais na pangyayari.

Pinaalalahanan din ni Pangulong Marcos ang PCG na kailangang walang anumang pagkakamali at wala ring mangyayaring hindi pagkakaunawaan na maaaring maging sanhi ng paglaki ng problema.

Pag-upgrade sa mga pasilidad, kakayahan at kagamitan ng PCG, ipinangako ni PBBM

At dahil sa napakahalagang misyon ng PCG, ipinangako ng Pangulo ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa PCG, lalo na sa misyong protektahan at bantayan ang mga karagatan na sakop ng Pilipinas at labanan ang mga krimen na mangyayari dito.

Tiniyak ni Pangulong Marcos na patuloy ang pagsusumikap ng kanyang administrasyon sa pag-upgrade sa mga kakayahan, pasilidad, at kagamitan ng PCG.

Samantala tiwala naman si Pangulong Marcos

na alam ng lahat ng PCG kung paano mapagtagumpayan ang kanilang mga misyon.

 

 

Follow SMNI News on Twitter