Pekeng online job offers, ibinabala sa publiko

Pekeng online job offers, ibinabala sa publiko

PINAG-IINGAT ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) ang publiko sa pekeng online job offers.

Ito ay matapos maaresto ang 7 suspek na gumawa ng pekeng Facebook page ng isang lehitimong employment agency para makapambiktima.

Napag-alaman na matapos na gumawa ng pekeng Facebook page, ikinakalat ito ng mga suspek sa iba’t ibang group chat na nag-aalok ng trabaho.

Pinapapunta rin umano ang mga aplikante sa opisina sa Taft Avenue para sa interview, kung saan hinihingian sila ng 300 pisong  processing fee at 1,300 pisong medical fee.

Kinilala ni PNP ACG director Police Brigadier General Ronald Lee, ang mga nahuli na sina Kimberly Santillan, Rosalie Verceles, Lailani Bregoli, Mary Jane Cuevas, Zenaida Navarro, Mary Jane Reyes at Simone Louise Austria.

Mahaharap sila sa kasong identity theft, swindling/estafa, at paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act.

Follow SMNI NEWS in Twitter