TANGING si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. lang ang nagkaroon ng malaking pananaw sa sektor ng agrikultura.
Ito ang naging komento ni Quezon City First District Rep. at House Committee on Agriculture Chairman Mark Enverga sa panayam ng SMNI News.
Kung titingnan aniya, ngayon lang nakatikim ng malaking budget ang Department of Agriculture (DA).
Sa ipinasang national budget para sa 2023, P184.1-B ang inilaan para sa sektor ng agrikultura.
Mas mataas ito ng P81.6-B kung ikukumpara sa budget ng DA ngayong taon.
Isa sa mga programa na tututukan sa naturang budget ng DA ay ang rice production.