NAIS ng Pilipinas na ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa China patungkol sa joint oil exploration sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang ibinahagi ng Malacañang na sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping sa state visit nito sa China.
Saad pa ng Palasyo, binanggit ni Pangulong Marcos na napakahalaga sa Pilipinas ang maipagpapatuloy ang talakayan hinggil sa naturang joint exploration sa WPS at umaasang magbubunga ang mga negosasyong ito.
Sa kabilang banda, nangako si Chinese President Xi Jinping na hahanap ng kompromiso o solusyon sa usaping kinahaharap ng mga Pilipinong mangingisda sa WPS.
