Mga aktibidad ni Arnie Teves habang nasa abroad, nasusubaybayan pa rin ng DOJ

Mga aktibidad ni Arnie Teves habang nasa abroad, nasusubaybayan pa rin ng DOJ

INAMIN ng Department of Justice (DOJ) na may mga sources sila na nakasubaybay sa mga galaw o aktibidad ni suspended Congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. kahit nasa ibang bansa ito.

Gayunman, sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na hindi na muna sila maglalabas ng anumang detalye kaugnay sa anumang posibleng mangyari.

Muli namang iginiit ni Remulla na ang patuloy na pagtanggi ni Teves na bumalik sa Pilipinas ay indikasyon na guilty ito sa Degamo killing.

Samantala, nilinaw ni Remulla na hindi lang kay Teves nakatutok ang imbestigasyon dahil may iba pang mga personalidad na iniimbestigahan at sasampahan din ng kaso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter