IPAGPAPATULOY ngayong araw sa Senado ang budget deliberation para sa 2022 proposed national budget.
Ito ay matapos masuspinde ang budget debates noong nakaraang linggo dahil sa balitang nagpositibo si Department of Defense Secretary Delfin Lorenza sa coronavirus disease 2019 (COVID- 19).
Pero kalaunan ay nilinaw ni Senate President Tito Sotto III na false positive naman pala ang kaso ni Lorenzana gaya na rin ng iniulat ng kalihim sa Senate President.
Sa kabila naman nito ay magpapatuloy ang mas mahigit na pagpapatupad ng mga health protocol pagdating sa pagpapasok ng mga resource person sa plenary debates.
Ilan sa mga ipatutupad ay dapat makapagpresenta ng negative RT PCR result ang mga resource person na may 24 hour validity.
Ang mga senador gaya ni Villanueva at Sotto ay nagpa-RT PCR test rin kahapon at negatibo naman ang resulta.
Samantala ang mga panukalang pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Department of Transportation (DOTR), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nakatakdang talakayin ngayong araw sa plenaryo.
Inaasahan naman na ngayong araw o bukas ng umaga matatapos ang budget interpellation at susunod naman ang period of amendments.
