IPINAG-utos ng lokal na pamahalaan ng Nagcarlan, Laguna ang paghihigpit sa mga biyahero na nanggaling sa bansang China simula ngayong Enero 4.
Kasunod na rin ito sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.
Batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 1, s. 2023 na pinirmahan ni Mayor Elmor V. Vita, sasailalim muna sa Rapid Antigen Test o RT-PCR test ang mga papasok sa bayan na galing sa China maliban pa sa pagsailalim sa mandatory 7-days home quarantine. Laguna
Inaatasan din ang mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at mga kawani ng Nagcarlan Municipal Health Office na alamin ang mga residente nila na nanggaling o dumaan ng China bago umuwi para maayos na maipatupad ang direktiba.
Sabi pa ni Mayor Vita na layon ng kanilang hakbang na ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan kontra COVID-19.
