Pinaigting na edukasyon para sa mga katutubo, solusyon vs. insurhensiya – Astra Pimentel

Pinaigting na edukasyon para sa mga katutubo, solusyon vs. insurhensiya – Astra Pimentel

MAS pinaigting na edukasyon ang solusyon para maiwasang maimpluwensiyahan ang mga katutubo ng mga rebeldeng grupo.

Ito ang ibinahagi ni dating Energy Undersecretary Astravel Pimentel na ngayon ay tumatakbo sa pagkasenador sa programang Laban Kasama ang Bayan ng SMNI ngayong araw.

Saad ni Pimentel na mula sa tribo ng Higaonon at Talaandig sa Mindanao,  ninanais niyang maiangat ang pamumuhay ng mga nasa laylayan lalo na ang mga indigenous people (IP) sa bansa na kalamiting naiimpluwensiyahan ng CPP-NPA-NDF.

Nagpahayag din ito ng kaniyang buong pagsuporta sa NTF-ELCAC kung sakaling palarin sa pagkasenador.

Sinabi naman ni Usec. Lorraine Badoy, NTF-ELCAC Spokesperson at isa sa host ng naturang programa ng SMNI, ang kawalan ng kaalaman ang ginagamit ng komunistang teroristang CPP-NPA sa mga katutubo para gawing rebelde ang mga ito.

Samantala, ayon sa panauhin ng programa na si Lieutenant Colonel Celeste Frank Sayson ng Philippine Army, hindi lang ang kamang-mangan ang dahilan kung bakit marami ang nalilinlang ng komunistang teroristang grupo.

Ani Sayson dahil rin ito sa mga political cadreo ang mga lider ng CPP-NPA-NDF na nag-uudyok sa mga kabataan para sumali sa naturang teroristang grupo.

Follow SMNI News on Twitter