DADALO si Filipino actress, singer-songwriter, host, at vlogger na si Maris Racal sa isang prestihiyosong kaganapan, ang Far East Film Festival sa Udine, Italy.
Si Racal ang naatasan upang kumatawan sa kanilang pelikulang “Where Is The Lie?” ni Quark Henares.
Ang “Where Is The Lie?” isang komedya tungkol sa mga scam at ang mga panganib ng web, ay pinagbibidahan din nina Ej Jallorina at Royce Cabrera.
Ang Far East Film Festival ay isang taunang film festival na ginaganap sa Udine, Italy.
Isa ito sa pinakamahalagang kaganapan na nagpo-promote ng Asian cinema sa Europe.
Kasama rin sa festival ang “Deleter” ni Mikhail Red na pinagbibidahan ni Nadine Lustre, at ang maitim na pabula na “In My Mother’s Skin,” ang debut feature ni Kenneth Dagatan.
Ang naturang festival ay nagsimula mula Abril 21 hanggang Abril 29, 2023.
