PAKIRAMDAM ng isang political analyst na tatakbong pagkapangulo ng bansa sa 2022 si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Sa panayam ng SMNI News kay political analyst at Professor Clarita Carlos, pinagdugtong-dugtong niya umano ang lahat na pangyayari sa kasalukuyan at ito ang kanyang nakikita.
“Tinitingnan lang ‘yung logicality ng events, eh, and ang ramdam ko, more likely she (Mayor Inday Sara) will run for the presidency,” pahayag ni Carlos.
Ayon pa Carlos, abangan nalang umano kung ano ang mangyayari sa susunod na araw at antayin na din ng publiko kung ano ang sorpresa na sinasabi ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda hinggil dito.
“Yun lang ang hunch ko, sabi ko nga kanina, pinapagdugtong-dugtong ko ‘yung mga nagliliparang variables and siguro ‘yun ang nakikita ko na patutunguhan nito on or before November 15. We’ll see if my hunch is correct or not. You know, I am willing to be corrected,” ayon pa kay Carlos.
Samantala, sang-ayon si Carlos sa planong pagsasagawa ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa umanoy extra-judicial killings ng Duterte Administration.
Subalit, sinabi lang ni Carlos na maraming mga bansa ang may katakot-takot na massacre kung ikukumpara sa umanoy extra-judicial killings ng bansa.
“ICC has its own processes and procedures and let them proceed. Ang isyu ko lang sa ICC, marami din dyang mga bansa, marami rin dyang political leaders na katakot-takot ang talagang minassacre. We are not diminishing ‘yung kanilang accusations sa ating Presidente but I’m sure you know who invaded Iraq and who was responsible for thousands of deaths. Bakit ‘yung ICC, hindi nya tinitingnan ‘yan? Kasi, hindi signatory ‘yung US. You understand the injustice of it all?” ayon kay Carlos.
Hirit ni Carlos, madalas nagiging “rogue” o tampalasan ang isang pangulo para lang maging mas epektibo.
BASAHIN: Kaalyado ni Mayor Sara, nakikita na tatakbo itong Pangulo sa 2022 elections
