TATAKBO si Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte-Carpio sa pagkapresidente sa 2022 election.
Ito ang iginiit ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda batay aniya sa kanilang mga pag-uusap ng presidential daughter.
Ayon kay Salceda, huli niyang nakausap ang Mayora, isang oras bago ang pag-atras nito sa mayoralty race.
Sinabi rin ni Salceda na walang vice president option para kay Mayor Inday Sara at hindi rin aniya problema ang pagpili ng VP para dito.
Samantala, nauna nang nagpahayag ng suporta si Salceda kay Mayor Inday Sara bilang susunod na pangulo ng bansa.
Ayon kay Salceda, nakatrabaho na niya ang nakababatang Duterte sa local level noong gobernador ito ng Albay at napahanga ito sa trabaho ng local chief executive.
Kung pagbabatayan daw kasi ang track record ng alkalde, makikita na marunong ito sa paggamit ng pondo o resources.