Pondo ng NTF-ELCAC, mapupunta sa 822 na mga barangay —Badoy

MAPUPUNTA sa 822 mga barangay ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF- ELCAC na kasalukuyang pinagdidiskitahan ng ilang senador at kongresista.

Ang nasabing mga barangay ayon kay NTF-ELCAC Spokesperson at communication Usec. Lorraine Badoy sa panayam ng SMNI News ay ang mga lugar na dating hawak ng CPP-NPA-NDF pero sa kasalukuyan ay malaya na mula sa mga komunista subalit kailangan pang asistihan.

Ayon kay Usec. Badoy, mahalaga ang inilalaang pondo para sa barangay development program na ito ng NTF-ELCAC kung kaya’t nagmimistulang binabalewala ng mga mambabatas ang tsansa ng mga mamamayang makakabenepisyo nito kung i-defund nila ang NTF-ELCAC.

“This project is so important. So, pagsinasabi ng mga senator natin na i-de defund natin yung mga projects na yan ng NTF-ELCAC. Ibig sabihin tinatanggal nila ang ‘yung only chance, yung napakalaking chances ng mga kababayan natin na bumuti ang buhay nila yan ang ibig sabihin nyan,” pahayag ni Badoy.

Ani pa Badoy kaugnay dito, ikinakampanya sa mga rebelde na pagkakatiwalaan ang gobyerno pero dapat maging trustworthy din ang mga nasa gobyerno.

Samantala, una ng iginiit ni National Security Adviser Hermogenes Esperon hindi dapat ma-defund ang NTF-ELCAC dahil nagmimistula aniyang binabalewala ang laban ng bansa sa CPP-NPA.

(BASAHIN: Hindi lahat ng community pantry ay kagagawan ng CPP-NPA-NTF —ELCAC)

SMNI NEWS