Pre-charge investigation sa mga pulis sa Imus, Cavite, nagsimula na—PNP-IAS

Pre-charge investigation sa mga pulis sa Imus, Cavite, nagsimula na—PNP-IAS

NAGSIMULA na ang pre-charge investigation ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) laban sa mga pulis na sangkot na kuwestyunableng drug operation sa Imus, Cavite.

Sinabi ni PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, kumbinsido siya na dapat na may masibak sa mga pulis na pinasok ang tahanan ng isang retiradong propesor.

Ayon kay Triambulo, pinalabas ng mga pulis na buy-bust operation ang ginawa nila na malayo sa lumutang na video.

Isinama sa pre-charge investigation ang 12 pulis kabilang ang dating chief of police ng Imus, Cavite at ang deputy chief of police nito.

Bibigyan ng 5 araw ang mga pulis para maghain ng kanilang counter-affidavit.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble