Presyo ng diesel sa Metro Manila, lampas P140

Presyo ng diesel sa Metro Manila, lampas P140

Umabot na sa higit P140 kada litro ang presyo ng premium diesel sa Metro Manila matapos ang panibagong pagtaas ng langis, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, tumaas ng P15 hanggang P18 kada litro ang diesel, kung saan ang regular diesel ay lumagpas na sa P130 habang ang premium diesel ay umaabot sa P144.20.

Inaasahan din ang pagtaas ng presyo ng gasolina ng P8 hanggang P12 kada litro, habang ang kerosene ay tataas ng P12 hanggang P22 kada litro sa linggong ito.

Dahilan ng pagtaas ang nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Israel-Estados Unidos at Iran.

Apektado ang Kipot ng Hormuz kung saan dumaraan ang mga oil tanker na iniluluwas sa iba’t ibang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble