Presyo ng petrolyo ng Brazil, napag-alamang isa sa pinakamahal sa buong mundo

Presyo ng petrolyo ng Brazil, napag-alamang isa sa pinakamahal sa buong mundo

INANUNSYO ng global petrol prices na nasa ika-90 pwesto sa pinakamahal na presyo ng petrolyo sa buong mundo ang bansang Brazil.

Base sa impormasyon ng lingguhang monitor ng global petrol prices nasa ika-90 pwesto ang Brazil sa may pinakamataas na presyo ng gasolina.

Ayon sa ahensya, mula sa 168 na bansa na sinurvey nito ay nasa ika-90 posisyon ang bansang Brazil.

Ito ay marahil sa dahilan na kahit na pareho ang presyo ng petrolyo sa international market ay nagkakatalo ito sa presyo ng tax at subsidiaries na ipinapatong ng bawat bansa.

Samantala, nangunguna naman ang Venezuela sa may pinakamababang presyo ng langis na sinundan ng Iran, Syria, Angola, at Algeria.

Habang nangunguna naman ang Hongkong sa may pinakamataas na presyo ng langis, sumunod ang Netherlands, Norway, Central African republic, at Denmark.

SMNI NEWS