ISANG resolusyon ang isinumite ni Senate President Juan Miguel Zubiri para sa paghayag ng pakikiramay ng Senado sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos (FVR).
Ngayong araw ay kalahati lamang na inangat ang watawat ng Pilipinas sa Senado bilang pakikiramay ng institusyon sa biglaang pagpanaw ni dating Pangulong FVR.
Sa isang Facebook live ay mataimtim na naghayag ng pakikiramay si Senador Robin Padilla sa pagpanaw ng dating pangulo.
“Buong sambayanan ng Pilipinas ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng isa sa pinakamagaling na pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa kanyang mga kamay ay tinagurian tayo bilang Tiger ng Asya,” pahayag ni Padilla.
Isang resolusyon naman ang isinumite ni Senate President Juan Miguel Zubiri para sa paghayag ng pakikiramay ng Senado.
Sa Resolution Number 72 binibigyang-pugay nito ang pagiging magaling na sundalo ni FVR na nakipagbakbakan sa Korean War noong 1952 at ang iba pang mga katungkulan ni Ramos sa military bago itinalaga bilang Presidential Assistant on Military Affairs noong 1969.
“Fidel Valdez Ramos’s administration is known for the program, Philippines 2000, which envisioned the country to be newly industrialized by the year 2000, for instituting economic reforms which drove investments in the country to surge, and for navigating the Philippine economy during the 1997 East Asia Financial Crisis steering our country’s recovery efforts and turning the Sick Man of Asia into Asia’s Next Tiger Economy,” pahayag ni Zubiri.
Umani rin ng papuri mula kay Zubiri ang mga programa ni Ramos sa panahon ng kanyang termino mula 1992-1998.
Kabilang dito ang Philippines 2000 na naging daan para sa pagpatutupad ng mga mahahalagang economic reforms na nagligtas sa ekonomiya ng bansa noong 1997 East Asia Financial Crisis.
Nakasaad din sa resolusyon ang naging papel ni FVR upang mapansin ang pinag-aagawang Spratly Islands.
Kaugnay nito, nagpahayag ng kanila namang pagdalamhati sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Sonny Angara sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Ipinaaabot ng dalawang senador ang kanilang pakikiramay sa ngalan ng kanilang pamilya sa mga naulila ng dating pangulo.
“President Ramos once steadfastly steered the country to greater heights and achievements. And under his leadership, our country experienced a period of political stability and massive economic growth that positioned the Philippines as a potential Asia’s tiger economy,” ani Senator Jinggoy.
Ayon kay Jinggoy, ang mga tagumpay at makabuluhang programa sa ilalim ng administrasyon ni Ramos partikular sa pagbubukas ng ekonomiya at pamumuhunan, ay naging pundasyon ng mga sumunod na pangulo, kabilang na ang termino ng kanyang ama na si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.
Tinawag naman ni Senador Sonny Angara na maraming reporma na nagawa si FVR sa kanyang pamumuno tulad ng pagsawata sa telco monopoly, resolusyon sa power situation noon sa bansa at peace process sa pagitan ng mga kapatid na Muslim sa Mindanao.
“The Filipino people lived in a time of hope during former President Fidel Valdez Ramos’ tenure. FVR oversaw massive economic gains for the country that were translated to programs for the welfare of the people. He also successfully brokered peace with rebel groups, extending the hand of peace with programs that sought to address the roots of discontent,” saad ni Binay.
Iginiit naman ni Senadora Nancy Binay na nagkaroon ng massive economic gains sa pamumuno ng yumaong dating Pangulong Ramos na pinakinabangan ng mamamayang Filipino.
Iginiit ng senadora na tinamasa ng sambayanan ang kapayapaan, katatagan, at pag-unlad sa pamumuno ni Ramos.