Ret. PLtGen. Jonnel Estomo, itinanggi ang kaugnayan sa pagkawala ng 34 sabungeros

Ret. PLtGen. Jonnel Estomo, itinanggi ang kaugnayan sa pagkawala ng 34 sabungeros

LUMABAS ang pangalan ni Retired Police Lieutenant General Jonnel Estomo matapos ang ilang testimonya na umano’y nag-uugnay sa kaniya at ilang opisyal ng Pambansang Pulisya sa mga operasyon ng e-sabong.

Sa kaniyang opisyal na pahayag, direktang itinanggi ni Estomo ang mga paratang na may kinalaman siya sa pagkawala ng mga sabungero noong 2022.

“I categorically deny my involvement in any manner and I will present my evidence to clear my name, sapagkat ang pag-uugnay sa aking pangalan ay walang sapat na patunay,” pahayag ni PLtGen. Jonnel Estomo (Ret.).

Kinondena rin ni Estomo ang testimonyang inilabas ni Julie “Dondon” Patidongan, na direktang nagsangkot sa kanyang pangalan.

Giit niya, paninira ito sa kaniyang pagkatao at reputasyon.

Giit ni Estomo, isang malaking paninira aniya ito sa kaniyang pagkatao at reputasyon.

Aniya, naghahanda na ang kaniyang mga abogado ng kaukulang kaso laban kay Patidongan.

“At para kay Ginoong Patidongan, sa kanyang ginawang paninira sa aking pagkatao at reputasyon, inihahanda na ng aking mga abogado ang kaukulang kaso sa mga malisyoso at walang batayang alegasyon sa akin,” dagdag ni Estomo.

Bukas rin aniya siya sa anumang imbestigasyon upang linisin ang kaniyang pangalan, kasabay ng kaniyang paniniwala na ang katarungan ang siyang mananaig tulad ng hinihintay ng mga naulila at kaanak ng mga biktima.

“I won’t get ahead of any investigation, naniniwala ako na dapat ang katotohanan lamang at hinis sa salita ng galing sa iba ang mananaig sa paghahanap ng katarungan. I am ready to answer any allegations at the proper forum to clear my name. I have faith to the impartial justice system and due process of the law,” aniya.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso ng 34 na nawawalang sabungero na may kaugnayan umano sa online sabong.

Bukod kay Estomo, ilan pang opisyal ng PNP ang direktang pinangalanan ni Patidongan sa kaniyang testimonya.

Mga pinangalanang opisyal ni Julie “Dondon” Patidongan:

PLtGen. Jonnel Estomo (Ret.)

PCol. Jacinto Malinao Jr.

PLtCol. Ryan Jay Orapa

PMaj. Mark Philip Albadilla

Police Field Commander Aaron Acabillan

PCMS Arturo Dela Cruz Jr.

PSMS Anderson Orosco Abale

PSMS Mark Anthony Madrique

PMSg Joey Encarnacion

PMSg Reynan Policho

PSSg Alfredo Uy Andres

PCpl Angel Joseph Martin

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble