HINILING ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na gamitin ang salitang Filipino sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).
Ayon sa kongresista, mas maraming Pilipinong manonood at makikinig kung mas naiintindihan nila ang mensaheng nais ipaabot ng Pangulo.
Maliban dito, mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng koneksiyon sa kanyang talumpati.
Inihayag din ni Salo na nakatulong sa kanyang pangangampanya ang pagsasalita noon ni Pangulong Marcos ng Filipino upang makuha ang atensiyon ng mga botante.
