ILULUNSAD ng Philippine Navy at United States Navy ang kanilang Sama-Sama Exercise sa Oktubre 2.
Ito ang ika-6 na pagkakataon na isasagawa ang pagsasanay sa headquarters ng Philippine Navy sa lungsod ng Maynila.
Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang interoperability ng dalawang panig sa matagumpay na pagtupad sa kanilang misyon sa karagatan.
Lalahok sa Subject Matter Expert (SME) exchanges ang Japan, United Kingdom, Canada, France, at Australia.
Habang magsisilbing observer ang New Zealand at Indonesia.