Sapat na kompensasyon ng mga sundalong may permanent disability, ipinag-utos ni PBBM

Sapat na kompensasyon ng mga sundalong may permanent disability, ipinag-utos ni PBBM

IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking nabibigyan ng sapat na kompensasyon ang lahat na mga sundalo lalong-lalo na ang may natamong permanent disability habang naka-duty.

Mensahe ito ng Pangulo ngayong ginugunita ang ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.

Aniya, dapat pag-aralan ng Department of Defense (DND), Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) ang kasalukuyang separation benefits ng mga sundalo at maghain ng kanilang rekomendasyon para sa ikauunlad nito.

Ipinag-utos na rin ni Pangulong Marcos na magsumite ng report ang DND at Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa kasalukuyang mga military equipment nila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble