Sen. Bong Go, dinaluhan ang turn over ng Brgy. Evacuation Center sa Surigao del Sur

Sen. Bong Go, dinaluhan ang turn over ng Brgy. Evacuation Center sa Surigao del Sur

PORMAL nang nai-turn-over ang Barangay Evacuation Center sa Brgy. Mangagoy na personal na sinaksihan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go nitong Marso 30, 2023.

Malaking tulong ang nasabing pasilidad para magamit ng mga residente sa panahon ng kalamidad at hindi inaasahang pangyayari tulad ng insedente ng sunog.

Kasunod nito, personal ding inabutan ng tulong ni Sen. Go ang 500 benepisyaryo sa nasabing bayan.

Dagdag ng butihing senador, na dapat aniya ang serbisyo mula sa gobyerno ay ilalapit sa mga mamamayan.

Super Health Center itatayo sa Sta. Josefa, Agusan del Sur

Pagkatapos dumalo si Senator Bong Go sa turn over ng Barangay Evacuation Center sa Barangay Mangagoy ay tumungo naman ito sa bayan ng Sta. Josefa, Agusan del Sur kung saan ay personal din nitong sinaksihan ang ground breaking sa itatayo na Super Health Center.

Dinisenyo ang Super Health Center upang palakasin ang health care system sa bansa upang mabigyan ng serbisyong medikal ang mga walang kakayahang magpagamot na mga mamamayan lalo nasa liblib na mga lugar.

Road Concreting Project sa Brgy. Poblacion, Sta. Josefa, Agusan del Sur tapos na

Maliban sa ground breaking ng Super Health Center ng Sta. Josefa ay sinaksihan din ng butihing senador ang turn-over ng Road Concreting Project sa Brgy. Poblacion.

Ani Go, malaking tulong ito sa mga residente ng Sta. Josefa sakaling matapos na ang Road Concreting Project na magpapabilis sa pagbiyahe ng kanilang mga kalakal.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter