Sen. Cynthia Villar, isinusulong ang pagbuo ng anti-agricultural smuggling task force at special court

Sen. Cynthia Villar, isinusulong ang pagbuo ng anti-agricultural smuggling task force at special court

INILABAS na sa Senado ang committee report kaugnay sa tumataas na presyo ng sibuyas sa bansa at nakapaloob dito ang pagrekomenda ng hakbang laban sa agricultural smuggling.

Inirekomenda ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform kung saan chairperson si Senator Cynthia A. Villar ang pagbuo ng anti-agricultural smuggling task force at special court para tutukan ang smuggling ng agricultural products.

Batay sa rekomendasyon, isasailalim ang anti-agricultural smuggling task force sa Office of the President at pangangalagaan nito hindi lamang ang industriyang sibuyas kundi ang buong sektor ng agrikultura.

Pinakamahal ang sibuyas sa Pilipinas nang umabot sa P750 kada kilo ang presyo nito noong Kapaskuhan na inimbestigahan ng komite simula January 16, 2023.

Sa pagdinig, natuklasan na ang sibuyas na binili ng P8 kada kilo sa mga magsasaka sa Occidental Mindoro ay ibinebenta naman sa merkado ng P700-P750.

 

Follow SMNI News on Twitter