ITINALAGA si Senator Cynthia A. Villar bilang “Ambassador of the Woman in Organic Agriculture in Asia in the Philippines” (WOAA-Ph), IFOAM-Asia at League of Organic Agriculture Municipalities, Cities at Provinces sa 6th Organic Asia Congress ng Kauswagan, Lanao del Norte noong Hunyo 4-6.
“As Organic Agriculture Ambassador, I am determined to continue promoting the transition to affordable – environment friendly agricultural practices and making available to many Filipinos healthy and affordable nutritious organic food, abandoning the use of costly and soil degrading chemical fertilizer and pesticides,” paniniyak ni Villar.
Itinanghal si Villar na Organic Ambassador dahil sa kaniyang pagsusulong sa organic agriculture.
Noong 2020, itinaguyod niya na maisabatas ang RA 11511 (An Act Amending the Organic Agriculture Act of 2010) para ma-institutionalize ang Participatory Guarantee System (PGS).
Ito ang mas murang organic certification scheme na P1,200.00 per product per year sa organic products kumpara sa third party certification na P150,000.00 per product per year.
Itinakda rin sa batas na ito na kabilang ang mga kinatawan ng NGOs sa National Organic Agriculture Board (NOAB).
Adbokasiya ni Villar ang organic farming na layong pagyamanin ang lupa, pataasin ang farm productivity at pababain ang polusyon at basura para maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran.
Itinatag din niya ang composting facilities na natural na proseso ng recycling ng organic matter gaya ng kitchen at garden wastes.
Sa kaniyang hometown sa Las Piñas City, sinimulan ni Villar noong 2002 ang composting program kung saan nakatitipid ang Las Piñas ng P300-M kada taon.
50 porsiyento ng basura ang ginagawang organic fertilizer. May 139 composting facilities na ang naipatayo niya sa buong ng bansa, 89 ay nakatayo sa 20 barangays ng La Piñas at 50 ay nakalagay sa mga Vistaland communities sa iba’t ibang panig ng bansa gamit ang kitchen at garden wastes.
Simula naman 2019, namimigay si Villar ng libreng vegetable seeds at compost para isulong ang home, urban at school gardening tungo sa food security.
“The project touches the lives of many vegetable enthusiasts who are interested in home gardening and farmers too because of the high cost of synthetic fertilizer.”
Itinuturo din ang organic agriculture sa kaniyang apat na farm schools sa Las Piñas-Bacoor, San Jose del Monte City, Bulacan; San Miguel, Iloilo at Buhangin, Davao City.
Simula nang maging chair ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, nakipag-ugnayan si Villar sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM), National High Value Crops Program, National Organic Agriculture Program at kamakailan, sa National Rice Program para isulong ang composting at ipamigay ang composting facilities sa LGUs at farmer’s organizations.
Dumalo sa naturang event ang mahigit 2,000 organic advocates at practitioners ng sustainable agriculture. Pinangunahan ni Mayor Rommel C. Arnado ang event kung saan ipinakita rin ang best organic practices ng munisipalidad na ngayo’y 100 percent organic.
Nagsama-sama dito ang local governments at organic sector mula sa Asian nations at tinalakay ang main trends sa movement at methods sa paggamit ng organic agriculture.
Kinilala ni Arnado si Villar na tunay na partner ng mga samahan na may kaugnayan sa agrikultura.
Si Mayor Arnado ang Pangulo ng League of Organic Agriculture Municipalities, Cities at Provinces sa Philippines (LOAMCP) at bago ring Presidente ng Alliance of Local Governments in Organic Agriculture (ALGOA) na katrabaho ang mahigit 200 local governments sa Asia para palawakin ang organic agriculture. Co-president siya ng Global Alliance for Organic Districts, sub-organization ng International Federation of Organic Agriculture Movements (IFOAM).