NANANATILING handa sina Sen. Bato Dela Rosa at Sen. Bong Go na harapin ang anumang kaso na ihahain laban sa kanila hinggil sa umano’y extra judicial killings ng Drug War campaign ng Duterte administration.
Tugon ito ng dalawa sa rekomendasyon kamakailan ng QuadComm ng Kamara na kasuhan na anila sila at iba pang mga personalidad.
Sa pahayag ng dalawang senador, hahayaan na nila ang korte ng Pilipinas sa anumang magiging desisyon sa mga kasong ihahain.
Mas mainam din ayon sa kanila na ang mga Pilipino ang magsasabi hinggil sa kapayapaan at kaayusan ng bansa sa ilalim ng Duterte admin.
Sina Sen. Go at Sen. Dela Rosa na nagsilbing hepe ng Philippine National Police (PNP) ng Duterte admin ay mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Naninniwala ang dalawa na demolition job lang ito ng mga kalaban para hindi sila manalo sa 2025 midterm elections.