Sen. Manny Pacquiao, laglag na sa PDP-Laban matapos gamitin ang COC ng ibang partido

Sen. Manny Pacquiao, laglag na sa PDP-Laban matapos gamitin ang COC ng ibang partido

LAGLAG na bilang miyembro ng ruling party PDP-Laban si boxer turned Senator Manny Pacquiao matapos maghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa ilalim ng ibang partido.

Mangyari na naghain si Pacquiao ng COC sa ilalim ng Progressive Movement for the Devolution of Initiatives (PRPMDI) na isang Cebu based party.

Ayon kay PDP-Laban Secretary General Atty. Melvin Matibag, nilabag ni Pacquiao ang Section 6, Article VII ng PDP-Laban constitution na direktang nagtatanggal sa mga miyembrong maghahin ng COC sa ibang partido, dahilan ng pagka laglag nito bilang miyembro ng ruling party.

Diin pa ni matibag, lantarang pagta-traydor sa PDP-Laban ang ginawang ito ni Pacquiao.

Dahil sa katrayduran na ginawa ni Pacquiao, naniniwala si Matibag na kakatigan ng Commission on Elections ang petisyong inihain nila laban sa Pacquiao-Pimentel faction ng PDP-Laban.

Umaasa naman ang partido na magpapalabas na ng desisyon ng poll body sa lalong madaling panahon lalo na’t umpisa na ng paghahain ng kandidatura para sa 2022 national and local elections.

SMNI NEWS