IKINABAHALA ng dating aktres at ngayoy Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose ang kawalan ng respeto ng mga kabataan ngayon.
Kamakailan lang sa social media ay mayroong mga kabataan ang nagmimistulang pinagtri-tripan siya sa pamamagitan ng pagtawag sa kaniya ng kung anu-anong mga pangalan kasabay ang pagmamaliit sa kaniyang pinag-aralan.
Kasunod ito sa kaniyang hindi pagdeklara ng class suspensions sa nasasakupan sa gitna ng mga pag-ulan.
Sa kaniyang post, sinabi ni Niña na hindi dapat gamitin ang “freedom of speech” para huwag igalang ang isang tao lalo na sa mga kabataan.
Dahil sa pangyayari ay nagpaplano ang Bayambang, Pangasinan na ibalik ang subject na Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa mga paaralan.