Senate Committee of the Whole kailangang muling mag convene para talakayin ang COVID-19 response ng bansa – Sen. Nancy Binay

Senate Committee of the Whole kailangang muling mag convene para talakayin ang COVID-19 response ng bansa – Sen. Nancy Binay

INIHAYAG ni Senator Nancy Binay na kailangang muling mag-convene ang Senate Committee of the Whole sa pagbubukas ng 19th Congress para muling talakayin ang mga nakabinbin na issue sa COVID-19 response ng bansa.

Ilan aniya sa mga isyu na maaring balikan ay ang vaccination program, access sa booster, kalagayan ng mga healthcare worker, lebel ng kahandaan ng bansa at iba pa.

Ang pahayag ng senador ay dahil na rin sa panawagan na gawin nang mandatory ang booster shots sa bansa dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 at mababang booster coverage turn out.

Sa 40 milyong katao na eligible, ay 15.34 M pa lang ng mga Pilipino ang nagpaturok para sa booster.

Nagbabala naman ang DOH na maaring umabot sa 11,000 ang bagong impeksyon sa katapusan ng Hulyo.

 

Follow SMNI News on Twitter