MULING magbabalik ang weekly road repair schedule ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kahabaan ng Edsa, C-5 at ilang bahagi ng Quezon City.
Sa abiso ng DPWH, magsisimula ang road rehabilitation activities mamayang alas-11 ng gabi.
Isasagawa ang pagkukumpuni sa mga sumusunod na road segments ng Edsa Northbound: kahabaan ng Santolan MRT Station, Bus Lane; after P. Tuazon Flyover hanggang Aurora Tunnel, 3rd Lane mula sa Center Island, after Aurora Boulevard hanggang New York Street, 3rd Lane mula Center Island, after Kamuning Road at Kamias Road hanggang Jac Liner Bus Station, katabing Center Island sa Quezon City.
Mayroon ding repair works sa kahabaan ng Edsa South bound mula Balinga sa Creek hanggang Oliveros Footbridge sa Quezon City at second lane ngC-5 Southbound sa Makati City.
Isasara din para sa pagkukumpuni ang Quirino Highway sa Quezon City bago mag-Manila North Diversion Road (MNDR) flyover, 2nd inner lane; Cloverleaf patungong NLEX Northbound at Cloverleaf patungong NLEX Southbound.
Pinapayuhan naman ng DPWH ang mga apektadong motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta hanggang muling buksan ang mga apektadong kalsada, alas-5 ng umaga sa Lunes, July 18, 2022.