Senator Edgardo J. Angara Convention Center sa Baler, pinasinayaan

Senator Edgardo J. Angara Convention Center sa Baler, pinasinayaan

DINALUHAN ni Senator Sonny Angara ang inagurasyon ng Senator Edgardo J. Angara Convention Center sa Baler, Aurora at ang nakatakdang pagtatayo ng Baler National Museum at ng iba pang proyekto.

Ang inagurasyon ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-21 taong Philippine-Spanish Friendship Day.

Ibinida sa mga residente ng Baler, Aurora at sa mga lokal at dayuhang mga turista ang Senator Edgardo J. Angara Convention Center bilang parangal kay dating Senador Edgardo Angara.

Nabatid na pangarap ng yumaong senate president para sa Baler at sa buong lalawigan ng Aurora na umunlad ang lalawigan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga infrastructure projects tulad ng naturang convention center.

Sinabi ni Sen. Sonny na ang Senator Edgardo J. Angara Convention Center ay pinakamalaking infrastructure project sa Baler sa loob ng dalawang dekada at kauna-unahang proyekto na ipinangalanan sa ama nito.

Kabilang naman sa dumalo sa pasinaya ay si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na dating staff ng ama ni Sen. Sonny.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter