Senator Lacson, nabuhayan pagkatapos umalis sa Partido Reporma

Senator Lacson, nabuhayan pagkatapos umalis sa Partido Reporma

SA halip na mapilayan, pakiramdam ni presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson na mas nabuhayan ang kaniyang kampanya.

Ilang linggo pagkatapos ang pag-resign sa Partido Reporma, sinabi ni Lacson na walang naging masamang epekto ang kaniyang pag-alis sa partido.

Aniya sa halip na mapilayan ay mas nabuhayan pa ang kaniyang kampanya.

“I’m surprised kasi parang nag-rejuvenate ang aming campaign eh, parang sa tingin ko mas magaan at the same time maraming lumabas na ‘Oo nga, we will continue to support Senator Lacson,” pahayag ni Lacson.

Samantala ayon kay Lacson pinag-plaplanuhan nila na magkaroon ng one time big time rally sa mga susunod na araw.

Ibinunyag naman ni Lacson na mayroong isang organizer ang nag-alok ng hakot crowd sa halagang P500 kada ulo.

“The other day, this is funny because one of our supporters in Luzon, Southern Tagalog Region, was approached by an organizer. I would just like to share this with you because this is somehow misleading. Sabi sa kanya baka gusto ni Senator Lacson at Senator Sotto magkaroon ng maraming rally, mayroon kaming mga tao, P500 per person. Maski ilan,” ayon pa ni Lacson.

Ayon sa presidential aspirant, manggagaling daw ang hakot crowd sa Payatas, Caloocan, Rizal at Mandaluyong.

Maari daw na sa P500 pesos, ay P200 ang net take home ng isang participant dahil ang iba ay mapupunta sa pagkain at transportation nito.

“I was surprised actually. ‘Yun palang nag-aattend ng rally ng ibang partido, sila sila rin pala ‘yun.  It was being offered to us,” dagdag ni Lacson.

Follow SMNI News on Twitter