Skate park sa Northern Cebu, binuksan sa Danao

Skate park sa Northern Cebu, binuksan sa Danao

BINUKSAN na sa Danao ang skate park sa Northern Cebu.

Kauna-unahang skateboarding facility sa Danao City na tiyak na kagigiliwan ng mga kabataan.

Maituturing na ‘State of the Art’ ang skate park sa Danao City, Northern Cebu.

Pinangunahan ni Danao City Mayor Thomas Mark Durano, Vice Mayor Ramon Nito Durano at mga konsehal ng siyudad ang pagbubukas nito kamakailan.

Ang naturang parke ay isa sa mga proyekto ni Mayor Durano para sa mga kabataan ng siyudad na layong mabigyan ang mga ito ng permanenteng lugar ng palaruan.

Ayon sa alkalde, napansin nito na kadalasan nakikita ang mga kabataan na naglalaro sa harap ng city hall kaya para masiguro ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang disgrasya sa lansangan, nabuo nito ang naturang proyekto.

 “Before this, kids practice and they play in front of the city hall and having office, I see them in the afternoon, it’s nice to have a park for the kids. So, we end up having them play in the boardwalk. I guess, I ask the planning to schedule it… nearly schedule of construction… it was approved the time of Mayor Nito Durano, my dad, who was the mayor, and is the vice mayor now, and I was the city vice mayor at that time and we work hand in hand and it realized,” ayon kay Mayor Thomas Mark Durano, Danao City.

Dagdag pa ng alkalde, libre ang paggamit sa naturang pasilidad hindi lamang para sa taga-Danao kundi pati na rin sa mga kabataan mula sa karatig na lugar.

 “I am delighted to share that the Danao City skate park is free and open to everyone, embracing all walks of life, not just limited to our fellow Danawanons. This skate park represents a place of unity and inclusivity, where individuals can come together, build lasting friendships and showcase incredible skills,” ani Mayor Durano, Danao City.

Denisenyo ang naturang skate park ayon sa international standards na tiyak na ligtas gamitin sa bawat manlalaro.

Ito ay may kabuuang budget na P11.4-M at may mga makabagong features, gaya ng rampa, rails, at bowls.

Ang naturang pasilidad ay hindi lang din para sa mga skateboard players, kundi para din sa manlalaro ng free style BMX, skaters, at iba pa, na angkop sa pasilidad.

Kasabay sa pagbukas ng Danao City Skate Park, nagsagawa rin ng ground breaking ang mga opisyales sa Children and Youth Resource Center na magagamit para sa educational programs at sa pagpapalawig pa ng mga programa para sa kabataan ng siyudad.

Bukod sa kasalukuyang skate park, inaasahan din na maitatayo sa darating na panahon ang pinaka-aasam na sports complex ng Danao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter