Singapore, ipinag-utos na tanggalin ang child sexual exploitation content sa FB

Singapore, ipinag-utos na tanggalin ang child sexual exploitation content sa FB

IPINAG-utos ng Singapore na tanggalin ang child sexual exploitation content sa Facebook.

Ito’y matapos ma-notify ng Infocomm Media Development Authority (IMDA) ang nasabing sexual content at agad na tinanggal sa Facebook, Instagram at Whatsapp ang nasabing content.

At dahil dito, inalerto ng mga pulisya ang ahensiya ng Facebook page na isang online network ang nagpapakalat ng child sexual exploitation content sa Facebook.

Matatandaan, nakapasa sa parliament ang Online Safety Act noong nakaraang taon na naglalayong i-block ang mga harmful content sa media sites.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter