Smuggling sa bansa, may kumikitang mga opisyal –Mang Jess

Smuggling sa bansa, may kumikitang mga opisyal –Mang Jess

MAY mga kumikitang mga opisyal ng gobyerno sa pagpasok ng smuggling sa bansa sa kabila nang mga patakarang pinaiiral ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni senatorial canidate at President of the Federation of Philippine Industries Jesus Arranza sa programang Bayan ni Juan sa SMNI News.

“Ang kasagutan Mang Juan, simple, sabi mo nga, may kumikita diyan. At tsaka Mang Juan, merong rules na nilagay ang Agriculture and Custom na lahat ng refrigerated van, kailangan buksan, total inspection, eh bakit, naalala mo Mang Juan, ‘yung refrigerator van na nahuli namin, natin, na ang nakalagay eh assorted hand tools, nakalagay sa refrigerated van ay nakalagay pala ay sibuyas, ‘yun ba naman ay maloloko pa ang mga tao,” ayon kay Arranza.

Saad naman ni Former Senate President Juan Ponce Enrile, bakit nalulusutan pa rin ang mga opisyal ng gobyerno lalo na sa Bureau of Customs.

Sa ngayon, sinabi ni Mang Jess na tumataas ang presyo ng carrots sa palengke at mga maliliit na lamang ang natira dahil sa pag-pull out ng mga smuggled carrots mula sa China.

Aniya, ito ay dahil naapektuhan na ang production ng carrots ng Pilipinas dahil na rin sa pagpasok ng mga smuggled vegetables.

Sa kabila nito, naniniwala si Mang Jess na kakayanin ng bansa na mapababa ang presyo ng gulay at i-supply ang pangangailangan sa palengke kung susugpuin ang smuggling.

Patuloy din na naninindigan si Mang Jess na dapat sugpuin ang smuggling sa bansa upang mabuhay ang industriya ng bansa at ang mga produkto na nagbabayad ng tamang buwis.

Follow SMNI NEWS in Twitter