Solusyon vs inflation para makatulong kay PBBM, inilatag ng isang ekonomista

Solusyon vs inflation para makatulong kay PBBM, inilatag ng isang ekonomista

SA pinakahuling survey ng Pulse Asia, number 1 sa nais pagawan ng solusyon ng mayorya ng mga Pilipino ang problema sa inflation sa bansa.

Nasa 66% ng mga Pinoy ang nais itong patutukan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil sa lubhang pagtaas sa presyo ng mga bilihin kasabay ng pagtama ng Super Typhoon Karding.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), sumirit sa 6.9% ang inflation rate nitong Setyembre.

“Ito pong rate na’to na 6.9% huli pong nakaranas nito noon pong October ng 2018 pa. At iba po yung dahilan noong October 2018, ang pagtaas po ng presyo ng mga bilihin noong mga panahon na’yon eh dahil po sa pagtaas sa presyo ng bigas. At kung matatandaan natin isa to sa mga naging reason kung bakit nagkaroon tayo ng rice tarrification,” pahayag ni Dr. Michael Batu, isang ekonomista.

Diin pa ni Dr. Batu na number 1 sa nagpataas sa inflation ay ang presyo ng pagkain na inaangkat sa ibang bansa.

“Unang-una po yung sugar. Yung sugar po yung inflation niya was 30.2% po ang itinaas. Yung corn 26.2%, oils and fats 20.1%, isda 9.1% at karne 9%. Ano ang common factor sa mga commodities na to? Ang common factor dito is inaangkat natin ang mga produktong ito,” ayon kay Dr. Batu.

At dahil sa paghina ng palitan ng piso kontra dolyar ay apektado ang presyuhan ng pagkain.

“At alam naman natin na humina ang piso kontra sa dolyar ano nasa 58 pesos na ang palit natin. So ibig sabihin kung inaangkat natin tong mga produkto na’to dahil nga nagkaroon ng depreciation eh tataas po ang presyo nito dahil ang nangyayari diyan yung cost depreciation pinapasa po yun sa consumer,” ani Batu.

Kaya bilang solusyon, manghihiram muna ng pera ang Marcos administration sa international community.

Kinumpirma ni Finance Secretary Ben Diokno na at least 500 Million dollars ang hihiramin ng pamahalaan.

Para kay Batu, pwedeng gamitin ang inutang bilang pang-ayuda dahil sa epekto ng inflation.

At pangtulong sa mga kababayan nating mahihirap na unang maapektuhan nito.

“Hindi naman po masama mangutang ang ating pamahalaan. In,fact yang utang na,yan na na-secure ng ating pamahalaan yan po ay long term debt po yun. Matagal po yan bayaran at mababa po ang interest niyan,” ayon kay Dr. Batu.

Mungkahi naman ni Dr. Batu kay PBBM para maibsan ang epekto ng inflation ay ang pag-angkat ng langis mula sa Russia.

“Kung pwede tayong umangkat ng langis mula sa Russia. Iyon yung una kong nakikita na magandang solusyon diyan ano. Ikalawa, overdue na po tayo sa umento sa sahod, huli po tayong nagtaas ng sahod noon pang Mayo kung hindi ako nagkakamali ano. Mayo pa ho ano, so eh mula Mayo hanggang ano na tayo October na so malaki na ang itinaas sa presyo ng mga bilihin,” ayon pa ni Batu.

Mungkahi rin nito na ipagpatuloy ang paayuda sa mga mahihirap pati na ang pagpapataas sa domestic production sa agrikultura para hindi na laging nakasandal sa importation ang bansa.

Samantala, nagbigay ng kanilang assessment ang Philippine Chamber of Food and Agriculture sa unang 100 araw ni PBBM sa pwesto lalo na’t ito rin ang Agriculture Secretary.

 “When the President started his office ubos ang pera ng treasury. And he’s doing the best that he can to really go through this. Kaya sabay-sabay pa yung nangyari around abroad ano. Hindi naman kontrolado ng Presidente kaya may inflation,” pahayag ni Danny Fausto, presidente ng Philippine Chamber of Food and Agriculture.

“To gauge him and to give a rating, I think he’s still very good, excellent pa rin. Iba talaga pag ang presidente ang Secretary of Agriculture lahat gagalaw eh. Pag iba ang nandidiyan nakaupo disgrasya tayo,” dagdag ni Fausto.

Follow SMNI NEWS in Twitter