Suplay ng COVID-19 vaccines para pang-booster shots, sapat – NTF

Suplay ng COVID-19 vaccines para pang-booster shots, sapat – NTF

INIHAYAG ng pandemic task force na walang problema sa suplay ng bakuna kontra covid-19 ang Pilipinas para gamitin bilang booster shots.

Ayon kay ational Task Force (NTF) Against COVID- 19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. handa na ang national government na mamamahagi ng booster shots oras na magkaroon na ng go signal para gawin ito.

Una nang inihayag ng pamahalaan na pinaghahandaan na nito ang muling pagbabakuna kontra coronavirus kada 6 hanggang 8 buwan.

Ito ay alinsunod sa lumabas na pag-aaral na nagpapakitang bumababa ang proteksyon ng bakuna paglipas ng ganoong panahon mula nang matanggap ang kumpletong dosis.

Posible na ani Galvez na mabigyan ng booster shot ang health workers dahil lumipas na ang anim na buwan mula nang makumpleto ang doses ng kanilang covid-19 vaccine.

Batay sa October 10, 2021 national covid-19 dashboard, halos 50 million doses na ang naipamahagi sa bansa.

Sa bilang na ito, lampas 23 million o 30.06% na ang fully vaccinated sa buong Pilipinas.

Sa Metro Manila, nasa mahigit 16 million ang total doses administered; halos 9 million ang nakatanggap na ng first dose habang nasa mahigit 7.5 million na ang fully vaccinated.

SMNI NEWS