SUPORTADO ng Commission on Elections (COMELEC) ang anumang hakbang tungo sa pagkakaroon ng mapayapang Barangay at SK Elections (BSKE) sa Negros Oriental.
Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, magsasagawa sila ng survey sa lahat ng bayan at barangay ng Negros Oriental para dito.
Maganda aniyang malaman ang panig ng mga taga-roon ukol sa posibleng pagpapaliban ng BSKE sa lalawigan.
Maaaring aabutin sila ng buong buwan ng Hunyo para isagawa ang survey.
Matagal nang ipinanawagang ipagpaliban ang BSKE sa Negros Oriental sa gitna ng Degamo murder case.
