Suspek na pumatay sa isang New Zealand national sa Makati, sumurender na

Suspek na pumatay sa isang New Zealand national sa Makati, sumurender na

SUMURENDER na sa mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa isang New Zealand national na si Nicholas Peter Stacey noong Linggo, Pebrero 19.

Kinilala ang suspek ng Pasig City Police na si John Mhar Manalo na sumurender kaninang umaga na sinamahan pa ng kanyang pamilya.

Itinuro ng 3 witness si Manalo na bumaril sa 34-anyos na biktima nang saklolohan ang girlfriend sa tangkang panghahablot ng gamit ng suspek habang naglalakad sa Filmore Street, Barangay Palanan sa Makati City.

Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon laban sa kanya.

Inaresto si Manalo sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa Malolos Bulacan dahil sa kasong robbery with intimidation.

Follow SMNI NEWS in Instagram