NASA kustodiya na ng Pasay City police ang suspek sa pambabato sa tren ng MRT-3 kahapon.
Kinilala ang suspek na si Lester Rodriguez, 29-anyos na naaresto kagabi sa Pasay City.
Ayon sa MRT-3 management, nakakulong na ang suspek at iniimbestigahan na sa Pasay City substation 4.
Sinabi ng pulisya na positibong kinilala si Rodriguez na dalawang testigo na siyang nambato sa tren ng MRT-3 na ikinasira ng bintana ng isang train coach at ikinasugat ng isang pasahero.
Nakatakda namang magsampa ang MRT-3 management ng ilang reklamo laban kay Rodriquez kabilang na ang malicious mischief.
