Symbolic vaccination sa mga seafarer, isinagawa ngayong araw sa Maynila

Symbolic vaccination sa mga seafarer, isinagawa ngayong araw sa Maynila

ISINAGAWA ng Inter-Agency Task force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang symbolic vaccination sa mga seafarer ngayong araw sa Maynila.

Inaasahang nasa 2,000 seafarer ang mababakunahan dito gamit ang Pfizer vaccine sa Palacio de Maynila.

Ayon kay IATF Spokesperson at Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay sa western brands ng COVID-19 vaccines sa mga seafarer ng requirements ng kanilang mga employer abroad.

Sinabi ni Secreatary Roque na nais ng Pangulo na magkaroon ng patuloy na hanapbuhay ang mga seafarer at patuloy na maging ikalawa sa pinakamaraming seaman sa mundo ang Pilipinas.

Dumalo rin sa event sina Trade Sec. Ramon Lopez, Labor Sec. Bebot Bello at Sen. Joel Villanueva.

Pagbibigay ng Pfizer vaccines sa seafarers, walang violation — Roque

Samantala, walang violation at walang favoritism ang pamahalaan para sa seafarers.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagbibigay ng Pfizer vaccines sa mga marino ay dahil isa ito sa requirements nila bago ang muling pagsakay sa barko.

Mababatid na madalas na requirement ng ibang bansa ay western vaccine brands.

Binigyang-diin pa ni Roque na hindi rin anito labag sa equal protection clause dahil sinisigurado lang ng pamahalaan na makakapagpatuloy na sila sa kanilang mga hanapbuhay.

Nilinaw naman ni National Action Plan Against Covid-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na may tinatrabaho pa si Sec. Carlito Galvez Jr. na donations mula Moderna, Pfizer at Johnson & Johnson.

(BASAHIN: Malacañang, itinangging may favoritism ang pamahalaan sa deployment ng Pfizer vaccines)

SMNI NEWS