AMINADO si Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan na kulang pa ang kanilang body worn camera para sa lahat ng mga tauhan nito.
Ayon kay Maranan, pag-aaralan nito na maging 100 percent accessible ang kaniyang mga tauhan sa paggamit ng body worn camera para suportahan ang kampanya nito kontra kriminalidad, ilegal na droga, at terorismo.
Sa ngayon, batay sa datos ng QCPD, mayroon lamang halos 400 na kabuuang bilang ng body worn camera ang QCPD mula sa mahigit 3K na bilang ng mga tauhan nito.
Naiintindihan naman ni General Maranan ang nasabing kakulangan bagama’t umaasa sila na makukuha rin nito ang 100 percent accessibility sa susunod na mga panahon.
