BINISITA ni retired Filipino-American Mixed Martial Arts na si Brandon ”The Truth’’ Vera si presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos nitong Miyerkules Agosto 9.
Ipinagpasalamat naman ng batang Marcos ang pagbisita ni Vera sa kaniyang opisina.
Si Vera ay isang inaugural na ONE Heavyweight Champion at 2005 WEC Heavyweight Grand Prix Champion sa pagiging dalubhasa sa striking at kickboxing.
Nagretiro ito noong Disyembre 2022.