REVEALED na ang tracklist ng kauna-unahang self-titled solo debut extended play ni South Korean singer Sandara Park.
Sa Twitter post ng singer, lima ang kantang nakapaloob ng album.
Ang mga pamagat ay “Festival”, “Play!”, “Dara Dara”, “T Map” at “Happy Ending.”
May partisipasyon naman si Dara sa pagbuo ng lyrics para sa kantang “Festival” at “T Map”.
Ang solo ep ni Dara ay ilalabas ngayong Hulyo 12.
