Cambodia, target na mapataas pa ang mango sales sa China

Cambodia, target na mapataas pa ang mango sales sa China

TARGET ng Cambodia na mapataas ang mango sales nito sa China.

Sa unang siyam na taon umabot sa higit 200 tons na mangga ang nabili ng China sa Cambodia, kaya ngayon inaasahan ng mga grower na tataas pa ito sa susunod na taon.

Naniniwala ngayon ang mga Cambodia growers na aabot na sa 500,000 tons ng mangga ang bibilhin ng China base na rin sa full protocol on phytosanitary requirement na nilagdaa nito noong Hunyo palamang.

Ayon kay Hun Lak, CEO of Rich Farm Asia Co. Ltd. ang mga mangga mula sa probinsya ng kampong Sepu na malapit nang pitasin, malaki ang paniniwala nito na tataas pa ang mango sales sa pag-export nito sa Chinese market.

Nitong Abril 26, napagkasunduan ng General Administration of Customs of the People’s Republic of China ang 37 mango plantations at limang packaging factories na siyang mag eexport ng mga fresh mango sa China.

Sa kabuuan aabot na sa higit 160,000 tons ng fresh mangoes sa unang walong buwan ang na export ng Cambodia papuntang China at tumaas nga ito ng 251.03% bago magtapos ang taon.

SMNI NEWS