MAS pinatibay pa ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Canada sa pagbisita ni Canadian Foreign Minister Melanie Joly sa bansa nitong, Mayo 19.
Bukod sa malakas na ugnayan, kabilang din sa oportunidad na dala ng pagbisita ng Canadian official ang kolaborasyon ng Pilipinas at Canada partikular na sa kalakalan, pamumuhunan, edukasyon at depensa.
Ang naturang pagbisita sa bansa ng Canadian minister ay ikaapat na pagkakataon na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Nakatakda namang ipagdiwang ang ika-75 anibersaryo ng Philippines-Canada Bilateral Relations sa susunod na taon.
