OPISYAL nang ipinagbawal ng Valenzuela City ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa lungsod sa pamamagitan ng city ordinance.
Ito ang inanunsiyo ni Mayor Wes Gatchalian sa isinagawang press conference ngayong araw.
Bukod sa POGO, pansamantala ring sinuspinde ang bagong mga aplikasyon ng small town lottery at online gambling operation sa lungsod.
Ayon kay Gatchalian, ang naturang ordinansa ay upang matugunan ang social at moral impact ng pagsusugal.
Sa kabila ng economic benefits at substantial taxes mula sa mga POGO, sinabi ng alkalde na nais niyang matugunan ang mga posibleng krimen na may kaugnayan sa POGO operations.