VP Sara Duterte, bumisita sa Lanna National High School sa Tumauini, Isabela

VP Sara Duterte, bumisita sa Lanna National High School sa Tumauini, Isabela

BINISITA ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang Lanna National High School sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Ito ang pangalawang MATATAG K-10 Curriculum Pilot School Implementer na binisita ni VP Sara sa Cagayan Valley Region.

Aniya ang pagbisita niya ay upang masiguro na maayos ang implementasyon ng programa at upang kamustahin ang mga guro at mag-aaral hinggil dito.

Ang Office of the Vice President, sa pamamagitan ng Cagayan Valley Satellite Office sa Cauayan, Isabela ay namahagi rin ng PagbaBAGo bags sa ating mga mag-aaral sa Grade 7.

Ito ay upang maipabatid sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasayon sa pagbabago ng kanilang buhay at ng kanilang pamilya.

Nagkaroon din ng pakipagdayalogo sa mga guro upang alamin ang kanilang mga saloobin sa isinusulong na pagbabago sa Kagawaran ng Edukasyon at upang maipaliwang sa kanila ang mga ginagawa natin ayon sa inilunsad nating Matatag Agenda.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble